Tuesday, August 31, 2010

SULAT...

Alright,let me start this blog by sharing my personal story about what happened last night, as I was looking over on some books that my 14 years old niece had asked me to find ,because she will be needing it for her project .so,what I did is that, hinalughog ko ng bonggang bongga lahat ng pweding mapaghanapan, like mga cabinets,bookshelf and yung super jurasic dated (meaning,super luma at tagal) na kahon. sa kakahanap ko,hindi koman nakita yung book, iba ang bumungad sa akin,and guess what it is?!...mga sobrang tagal ng mga letters (hmm,oo medyo may pagka-love letters yung iba ;) )na naipon ko wayback in 2005 nang makapag abroad ako.samu't-saring mga sulat.napangiti ako ng mga makita ko ulit ang letter ng aking pamangkin who was by then a 9 year old kid.syempre. may letter din from my mama.

nakita kodin ang letter nang ex ko na sobrang bonggang daming "MAHAL" words sa 6 pages nyang sulat na paulit-ulit nalang ang nilalaman. :)
Until,napukaw ang aking mata sa isang sulat na kahit simpleng yellow paper lang na dalawang pahina at kalahati (Tamah!! dalawang buong yellow paper at isang kalahati) at di medyo kaintindi-intinding sulat,nabaling ang aking atensyon at binasa muli ang nilalaman noon.habang binabasa ko ang sulat hindi ko maalis sa aking sarili na magbalik tanaw sa mga nakasaad at nilalamant nito at napangiti nalang. Galing ito sa dating kasintahan na (fyi,wala na kami nung nasa abroad ako,may iniirog na siyang iba noon, at gayun din ako) naging kaibigan pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan sakit at masasamang ala-ala na pareho na lamang naming binaon sa limot. We use to call each other as pare, wala lang, boyish ako noong nagkakilala kame kaya ganun

So now, isshare ko ang ibang parts ng sulat na ito na 2006 pa ang date (syempre edited na no, wag nang mag ambisyon na detalyado ;P ) na natouched ako dahil kahit ganun ka loko ang nagsulat, may sense parin pala noon na pinahalagahan nya ang pagiging magkaibigan namen:

“Pogro (para daw maiba sa pare), kamusta? Ako ayos naman at huminga parin very happy dun sa gift mo na MP4..Thank you pare! Asahan mo na kahit Mp4000 na ang magiging uso, itatago ko parin ito at tulad ng sabi mo I papaframe.:)

“Naalala ko pala na galing ako kila Tita mo kahapon, Infairness, hindi ako nailang sa ate mo kahit pano nakapagbonding kame tsaka hindi siya mahirap kausap lalo na pag hahaluan pa ni Tita, Nakakakabid ako :)

“So yun nga, I felt at home mula sa pamangkin mo, pati kay dad mo even kay Tita J. mo. Yun nga at naginternalize ako at napapangiti nalang ng sa mga pangyayari. May nagsshot doon,nagkkwentuhan dito, yung bang ganun mga bagay and I never felt na“OTHERS” ako and I’m thinking..wishful thinking Na sana andito ka din para kumpleto rekado. Tapus ayon nag evolve na lahat.

“Ang laki ng pasasalamat ko na nakilala kita and even if wala kaman dito, welcome ako sa families and relatives mo.hindi man nag end ang friendship naten dahil nag abroad ka. Or like college friend na pagkatapos ng buhay istudyante nawawalan nakayo ng komunikasyon.”mababaw” that’s the word. I’ve met a lot of friends but frankly…ikaw nalang ang natira na andito padin sa tabi ko.yung tipong until now, after how many years, kahit may kanya kanya na tayong buhay, still buhay paring ang communication naten and nothing has changed.

“Honestly,nung umalis ka ilang araw din akong wala sa sarili, I mean yung syempre nalungkot at nasabi konalang sa aking sarili na “damn,nawalan ako ng isang matalik na kaibigan, para narin akong napilayan.then yung nga tumatawagtawag ka saken..syempre sumaya naman ako, pero nasabi korin sarili ko na yung time na yun bago kapalang doon at nahohomesick kaya ganun, but you proven me wrong, until now matatag paring ang samahan naten.I’v e realized that you were never gone at all.
“Pag nag-eemote ako at namomoblema how I wish na andito ka kasi parang mas naeexpress ko sayo yung mga bagay na ganun..syempre with red horse on the side.:)


Ok, back to my normal blog, masyado nang mahaba ang naishare ko. so siguro, most of my friends na makakabasa nito e mag rereact na why do I still need to blog this eh may kanya-kanya na kaming buhay diba, siya may pamilya na, ako?hmm basta happy ako, kung anong meron ako ngayon at kung sino man yung taong yun na nakakapag pasaya saken…sakin nalang muna yun, malay nyo siya naman ang isusunod ko isulat sa blog ko. (abangan), anyway, well kaya kolang naman naisipan isulat ito is that gusto ko lang mashare sa iba na kahit pala gaanon ka bitter ang mga pangyayare noon may mga times din pala na na aappreciate ka nang mga taong pinakisamahan mo ng totoo. I mean yung marka na iniwan mo sa kanila bilang totoong kaibigan saan man kayo mapunta or ano man ang mangyare.
Ang mahalaga lang,dapat maging totoong tao tayo sa pakikisama.tama na muna ang pagiging plastic. Polluted na nga ating bansa sa iba’t mga usok at basura, dadagdagan paba naten?! ;)

No comments:

Post a Comment